13th January 2012 17:17
video ♥ 10 notes
► tagged

Promise, nagka goosebumps ako at naluha sa kantang to. Ewan, di ko madescribe ang feeling. Kanina ko pa to pinapakinggan, mga 2am. Ganda makinig sa mga kantang ganito tuwing madaling araw. Lumalabas yung pagka EMO side ko.

to many times you can’t eat your pride someone has to leave I gotta believe that love has renown please have no doubt that I will be fine It’s about time for me to go away now I’ve got my home please stay out of my life….

Yung lyrics din, super ganda ng meaning. Ang gandang kanta, galing ng OPM!

Ng malaman ko na si Champ, kumanta nito..napa WOW na lang ako. Super na miss ko na ang HALE. Tanda ko pa nung highschool na isa ako sa mga fan nila. “Sandali na lang” yung favorite ko dati..tapos sunod sunod na!! Sayang nga lang at wala pa ako sa Davao nun at di ako nakakasali sa Meet Ups ng Dish(ewan ko kung tama).


Ngayong wala na ang HALE pero ang kanta nila mananatili sa puso ko at sa playlist ko. Sana ma reunite sila!!

Ngayon, kay somedaydream ako nababaliw, si Champ manager niya. Auto tune naman yung kanya, prang Owl City. Si SD yata ang bumuhay sa nabubulok na OPM. Tanda ko pa, highschool ako nag booming ang OPM pero ngayon lageng JB, Lady Gaga.

Callailily, Sponge Cola, Karylle, Tanya Markova, Somedaydream, Pupil, Up Dharma Down, Barbie Almabis - ilan lang yan sa mga paborito kong artist/bands

Support ko ang OPM, all the way!! Sana kayo rin.

  1. stare-stay-reblog reblogged this from icecreambites
  2. icecreambites posted this
Live Viewer(s)